- Username:
- Mico
- Gender:
- Man
- Location:
- Milan, Italy
- Looking for:
-
Madami na tayong pinagdaanan,
Sa mga pagsubok na nagdaan
Lumalalim ating pagmamahalan
Habang tumatagal ng ‘di namamalayan
Nagawa na nating maghiwalay
Tiniis ang bawat puso sa pagkalumbay
Ngunit sa bawat isa’y hindi kayang mawalay
Nanaig padin ang pagamamahalang tunay
Wagas na pagmamahalan ating nararamdaman
Dumating mga unos na nagdulot ng sakit ng puso’t isipan
Ngunit hindi padin makayang pagmamahalan ay kalimutan
Bagkus lumalim ang pagtingin sa bawat isa ng lubusan
Darating man ang mga hindi namamalayang sandali
Nawa’y tayo ay maging matatag at sa bawat isa’y manatili
Labis kong ikalulungkot ang sa iyo’y mawalay
Sapagkat ikaw lang ang minahal ko ng wagas at tunay
Ayaw ko isipin na darating ang araw na tayo ay ala ala nalang
Sa bawat isa at mananatili nalang sa puso’t isipan
Hanggat maaari nais kong sa habang buhay ikaw ay masilayan
Makausap mayakap
at sana sa habang buhay ay ikaw ay palaging mahagkan















